The Manila Times

Message from the chairman

TULAD ninyo, nararanasan ko ang mga matitinding pagsubok ng panahon tulad ng panganib ng pandemya, pagdagdag ng mga gastusin, patuloy na pag-aalaga sa mga mahal sa buhay, pagtataas ng mga presyo ng bilihin at pagbawas sa kinita.

Biniyayaan man ako sa ngayon ng katamtaman at maginhawang pamamaraan ng pamumuhay, lahat pa rin tayo ay may pinagdaraanan na mga suliranin at kaniya-kaniyang mga paghihirap.

Gayun pa man, lubos akong naawa sa mga nagkasakit, sa mga nalugi at nagsara ang kanilang negosyo, sa mga nawalan ng trabaho, sa mga hindi makapagpagamot ng sarili o ng kapamilya, at pati na rin sa mga hindi na kayang paaralin ang anak o kamag-anak dahil sa krisis ng pangkalusugan at pang-ekonomiya.

Natauhan ako na kung hindi lang sa magandang kapalaran na naidulot ng Maykapal para sa akin, maaaring ako ngayon ang nanlilimos at nanghihingi ng tulong para sa aking mga minamahal.

Noong naunawaan ko ang katotohanang ito, naalala ko ang Magandang Salita na nagsasaad ng mensahe ukol sa pagbibigay at pagtutulong sa mga kapwa, lalung-lalo na ng mga higit na biniyayaan ng ginhawa

Higit pa sa awa ko sa kahirapan ng mga kapwa Pilipino ang pag-asa na may maidudulot na konting ginhawa ang katamtamang ayuda ng aming samahan para sa mga mamamayan.

Ang inyong lingkod,

CHARLIE “ATONG” ANG Chairman PITMASTER FOUNDATION INC. Vice President LUCKY 8 STAR QUEST

News

en-ph

2022-06-30T07:00:00.0000000Z

2022-06-30T07:00:00.0000000Z

https://digitaledition.manilatimes.net/article/281599539189058

The Manila Times